^

Bansa

Walang military alliance sa China

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Walang military alliance sa China
Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte sa mga negosyante na inanyayahan niyang mag-negosyo sa Pilipinas na nais lamang niyang maging kaibigan ang China at iba pang bansa.
File photo

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga Japanese businessmen na dumalo sa Philippine Economic Forum sa Tok­yo, Japan na walang nabuong military alliance sa pagitan ng Pilipinas at China sa kanyang 4-day state visit kamakailan bagkus ay tungkol lamang sa trade and economy.

“We did not talk about arms. We did not talk about stationing of troops. We have avoided alliances, military alliances. What happened there was a few platforms where investments could be put in,” paglilinaw ni Pangu­long Duterte sa mga Japanese businessmen.

Nasa Tokyo si Pangu­long Duterte para sa kanyang 3-araw na official visit matapos siyang imbitahan ni Prime Minister Shinzo Abe ng magkita sila sa ASEAN Summit sa Vientiane, Laos.

Ipinaliwanag pa ni Duterte sa mga negosyante na inanyayahan niyang mag-negosyo sa Pilipinas na nais lamang niyang maging kaibigan ang China at iba pang bansa.

“I want to befriend with China but I don’t want arms,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Iginiit din ni Duterte ang kanyang independent foreign policy na ipinapatupad sa Pilipinas kung saan ay nais niyang sa loob ng 2 taon ay wala ng mga foreign military troops sa Pinas.

vuukle comment

ALLIANCE SA CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with