^

Bansa

Opisina, iskul, pabrika kakatukin na rin ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Opisina, iskul, pabrika kakatukin na rin ng PNP
Sinabi ng PNP Chief  na ang pagpapalawak pa ng anti-drug campaign ay sa gitna na rin ng patuloy na pagdami ng mga sumusukong drug personalities na mula sa 600,000 ay tumaas na sa 700,000 kung saan ang target ay 1.8 milyon bago magtapos ang taon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Isasailalim na rin ng Philippine National Police (PNP) sa Oplan Tokhang ang mga eskuwelahan, opisina, pabrika at iba pang mga ‘labor force’ sa ilalargang Oplan Double Barrel Alpha o ang ikalawang bahagi ng pinalawak na anti-drug campaign sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa kaugnay ng ikalawang bahagi ng Oplan Double Barrel na babansagan namang Oplan Double Barrel Alpha.

“We included schools, workplaces, factories, labor force –we will go these places…we are covering more sectors,” pahayag ni dela Rosa.

Nabatid na sa mga kakatuking eskuwelahan ay planong pasukuin sa batas ang mga estud­yante, guro at iba pang kawani ng mga kolehiyo, unibersidad, paaralan sa elementarya, high school pribado man o pampubliko na sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ng PNP Chief  na ang pagpapalawak pa ng anti-drug campaign ay sa gitna na rin ng patuloy na pagdami ng mga sumusukong drug personalities na mula sa 600,000 ay tumaas na sa 700,000 kung saan ang target ay 1.8 milyon bago magtapos ang taon.

Ang Oplan Tokhang ay ang pagkatok sa bahay ng mga hinihinalang drug personalities upang kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, umaabot na sa 1,725 drug personalities ang kanilang napapatay habang 31,629 ang sumuko sa kabuuang 32,909 operations simula Hulyo 1 hanggang alas-6  ng umaga kahapon, Oktubre 26.

Naitala naman sa 54,702 drug pushers at 697,001 drug users ang nagsisuko sa mga awtoridad.

 

vuukle comment

KAKATUKIN NA RIN NG PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with