^

Metro

Mayor Lani umapela vs cybersex operation

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinuri ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang pagkakadakip ng limang  suspek at pagkakaligtas sa tatlong bata na ginagamit sa child pornography operation.

 Naisagawa ang matagum-pay na operasyon noong October 5 sa pangunguna ng National Bureau of Investigation Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD), Fede­ral Bureau of Investigation (FBI), Inter-Agency Council Against Human Trafficking, International Justice Mission, at ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Naikasa ang operasyon matapos na makipag-ugnayan ang  FBI sa NBI-AHTRAD kaugnay sa iligal na aktibidad at mga transaksyon sa mga dayuhan sa No.27 MRT Avenue, Barangay Lower Bicutan kung saan  binibiktima ang mga paslit sa webcam online sexual shows at prostitusyon. Matapos ang dalawang buwang pagmamanman ay nakipag-ugnayan ang NBI ATHRAD sa tanggapan ni Taguig Mayor Lani Cayetano para maisakatuparan ang operasyon.

Nahuli sa entrapment ope­ration ang magkakamag-anak na sina Shaira Candaza, Girlie Candaza, Estrellita Candaza, Mary Grace Cahan­ding, at Mary Rose Reyes, na ina ng mga nasagip na batang lalaki.

Kabilang sa mga nasagip na paslit ang dalawang batang lalaki na may edad na lima at 11, at isang (1) dalawang taong gulang na babae.

“Binabati ko ang mga ahensya na nagtulong-tulong sa operasyong ito. Kami, kasama ang NBI-AHTRAD at mga stakeholder, ay kaisa ninyo para mapanagot ang mga nasa nagsasagawa ng online child pornography at sexual child exploitation. Hindi kami titigil hanggang hindi sila mapananagot sa kanilang mga krimen. Kasabay nito, hinihikayat ko ang publiko na  tulungan kami sa aming laban kontra cybersex operations. Bantayan ninyo ang inyong komunidad. Ipagbigay-alam ninyo sa amin at isuplong kung may kahina-hinalang mga indibidwal sa inyong mga lugar,” ayon kay Mayor Lani.

 Sa kanyang pahayag, iginiit ni Mayor Lani ang patuloy na paglaban ng kanyang pamunuan sa mga nag-ooperate ng cybersex dens sa lungsod ng Taguig.

vuukle comment

CYBERSEX OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with