^

Para Malibang

House of Death (70)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

“PUNTA po tayo sa likod na bahagi ng bakuran, Hepe. Baka doon nila dinala at itinayo.” Sagot ni Mario.

“Walanghiya rin naman. Talagang itinayo pa, ha? Ano ang imahe na ito? Napakapangit ng itsura? May dalawang sungay, malalaki ang mga mata, makakapal at patulis ang mga labi, galit ang expression ng mukha? Ganoon kapag imahe ni Satanas, hindi ba?”

“Mabuti ho ‘yung nakikita ninyo. Tena ho kayo.”

Wala ang mag-anak ni Temyong pero nakita nila ang itinayong imahe.

“Hepe, hayan po! Ang imaheng ‘yan ang dahilan kaya umitsa si Father Sebastian at tumama ang ulo sa bato. Saka tuluy-tuloy na hong namatay.”

Sinipat mabuti ng pari ang masamang imahe. “Ang sagwa nga ng itsura. At saka ... parang buhay ang expression ng mukha.”

Nakahinga nang maluwag sina Mario at Anna.

Kahit papaano ay may naniniwala na sa kanila.

“May buhay ho talaga ‘yan!Hawakan n’yo ho, Hepe! Mainit ho ang imaheng ‘yan!”

Umiling kaagad ang hepe. “Hindi naman ako ganyan katanga. Sinabi ko lang ‘yon na ang expression ay parang sa isang buhay. Pero hindi ako maaring maniwala na ang isang imaheng ginawa lang ng isang normal na tao, mula sa isang normal na kahoy, ay nakamatay ng pari!”

Nabawasan agad ng lakas ng loob si Mario. “Hipuin n’yo ho siya, Father. Tiyak na mararamdaman ninyong mainit siya. Para nga hong buhay, e!”

“Mario! Ano ang ginagawa ninyo dito!” Nasa bakuran na pala Temyong, inis na may nakauniporme pang isinama si Mario.

Pasimple namang sinulyapan nina Azon at tatlong anak ang bahagi ng bakuran kung saan ibinaon nila ang mga bareta ng ginto at maraming alahas. Kita nila ito kaagad dahil may itinusok silang matulis na kahoy sa bahaging iyon. May maayos na palatandaan.

“Hoy, Temyong ... kung makasita ka, a! Hindi mo ba ako kilala? Ang hepe ng kapulisan sa ating lugar! May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Father Sebastian? Tutal dito ka rin daw nakatira sa mansiyon na ito, kailangang maimbistigahan ka rin ... pati na mga kapamilya mo.”

“Iyang si Mario ang dapat ninyong ikulong! Pati mga kapamilya niya! Sila ang nagsama rito kay Father Sebastian de sila ang may kasalanan!” Matapang na sagot ni Temyong. - ITUTULOY

 

vuukle comment

HOUSE OF THE DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with