Female orgasms (Last part)
May apat na klase ng orgasm ang mga babae, ayon sa artikulong lumabas sa Neuro Quantology.
Ito ay ang clitoral orgasm na resulta ng stimulation ng clitoris, vaginal orgasm na resulta naman ng vaginal penetration, kombinasyon ng clitoral at vaginal orgasm at multiple orgasm o ang sunud-sunod na orgasm. Ngunit mayroon pang ibang female orgasm na siguradong hindi pa nararanasan ng marami.
Napag-usapan na natin ang tungkol sa G-Spot Orgasm na nagsisimula sa G-Spot sa pamamagitan ng stimulation, Squirting Orgasm (Female Ejaculation) at A–Spot Orgasm (The Anterior Fornix Orgasm), Deep Spot Orgasm (Posterior Fornix Orgasm), U-Spot Orgasm, Breast Orgasm, at Oral Orgasm.
Sa maniwala kayo at sa hindi, mayroon ding skin orgasm at mental orgasm.
Skin Orgasm - Ang orgasm ay maa-achieve kapag minasahe ang ilang bahagi ng katawan na hindi direktang konektado sa sexual nervous system. Nangyayari ito madalas sa sensual massage.
Mental Orgasm - Ang orgasm na ito ay maa-achieve sa pamamagitan ng visual at auditory stimulation. Mai-stimulate sa pamamaagitan ng panonood ng movies, videos, o anumang sexual behavior na ginagagawa sa harap ng ibang tao.
Maaaring ma-turn on at makaranas ng orgasm dahil sa matinding excitement.
- Latest