PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Baller ni Digong sa pres’l campaign pina-auction ng P1M

Philippine President Rodrigo Duterte delivers a speech during the Philippines-China Trade and Investment Forum at the Great Hall of the People in Beijing Thursday, Oct. 20, 2016. China and the Philippines have agreed to resume a dialogue on their dispute over the South China Sea, a senior Chinese diplomat said Thursday following talks between the countries' leaders. Wu Hong/Pool Photo via AP

MANILA, Philippines — Pina-auction ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang personal na baller na ginamit niya noong presidential campaign sa halagang P1 mil­yon sa Philippine-China business delegation sa Grand Beijing hotel.

Ang bumili ng baller ni Pangulong Duterte na ginamit nito noong kampanya ay ang negosyanteng si Johnny Sy sa hala­gang P1-M. Ang nasabing halaga ay gagamitin ng gobyerno upang ipandagdag sa pondo sa ipapatayong mga rehab facility.

“The money will be used to fund a drug rehabilitation facility. The baller band, which was perso­nally worn by the President during his election campaign, was put on auction during the event,” ayon naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo.

Samantala, umabot naman sa $15 milyon ang ipinagkaloob na grant ng Chinese government para sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs at law enforcement security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.

Bukod dito, naunang nagkaloob ng pondo ang China para sa ipinapata­yong mega drug rehab center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: