^

PSN Showbiz

Jodi mas lalong makikilala sa Jeepney TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malaking selebrasyon ang handog ng Jeepney TV (SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9) sa ika-apat nitong anibersaryo sa pagpapalabas nito ng phenomenal hit show Be Careful With My Heart na siguradong pakakaabangan ng mga manonood ngayong buwan ng Oktubre. Mas magkakaroon din ng pagkakataon na makilala ng fans ang Icon of the Month at International Emmy’s Best Actress nominee na si Jodi Sta. Maria sa BTS: Jodi Sta. Maria na mapapanood naman ngayong October 30.

Muli ring bibida sa telebisyon ang seryeng Nathaniel na pinagbibidahan ng child star na si Marco Masa kasama sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Coney Reyes na mag-uumpisa ngayong October 24 at ang Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan naman nina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli na ipalalabas naman ngayong October 23.

Simula naman October 17, napapanood na rin ang romantic Koreanovela na The Princess Hours. Makikipagsabayan din ang groundbreaking U.S. hit series na Jane the Virgin na napapanood naman tuwing Biyernes ng gabi.

Samantala, manonood tuwing Sabado ang mga seryeng Dugong Buhay na pinagbibidahan ni Ejay Falcon at ang Lastikman na pinangungunahan naman ni Vhong Navarro. Tuloy-tuloy din ang aksyon hanggang gabi sa pagdating ng Koreanovela hit na Blood at ng Pasada Astig, kung saan matutunghayan ang mga tinutukan at pinakapaboritong action movies noon.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with