^

Bansa

Voter’s registration ‘di tuloy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections na hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng voter’s registration bukas, Oktubre 3, para sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagpasya silang huwag munang simulan ang pagtatala ng mga botante dahil hindi pa tuluyang naipapasa ang batas na nagpapaliban sa 2016 BSKE.

“Masisimulan lang namin muli ang rehistrasyon kapag naipasa na ang panukalang-batas na nagpapaliban sa halalan sa barangay at sangguniang kabataan,” paliwanag ni Jimenez.

Umaasa naman si Jimenez na makapaglalabas na sila ng opisyal na resolusyon sa resumption ng voter’s registration sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Una nang sinabi ng Comelec na plano nilang ipagpatuloy ang voter’s registration bukas, Oktubre 3, na magtatagal hanggang sa Abril 29, 2017 at target nilang makapagtala ng dalawang milyong botante para sa SK elections at tatlong milyong botante naman para sa barangay polls.

Nabatid na ang panibagong voter’s registration ay isasagawa ng Comelec alinsunod sa Republic Act 8189 o ang Voter’s Registration Act of 1996, matapos na ipasa ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ang panukalang nagpapaliban ng 2016 BSKE, na nakatakda sanang idaos sa Oktubre 31.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with