^

Bansa

Sagot ni Digong sa bantang impeachment; Go ahead!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Go ahead!”

Ito ang patungkol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagbabalak magsampa sa kanya ng impeachment complaint lalo na yong patuloy na bumabatikos sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

“As a matter of fact… impeachment, impeachment… Go ahead. Wala akong problema,” pahayag ni Duterte sa pagsasalita nito sa 9th National Beinnial Summit on Women in Community Policing sa Apo View Hotel, Davao City noong Biyernes.

Ayon pa sa Pangulo, matanda na siya at ipinahiwatig nitong hindi naman niya gusto ang kanyang posisyon.

 “Matanda na ako and besides, ayoko lang sabihin, it gives a bad taste in the mouth again. Pero maryosep, kung pabalikin ako ayaw ko na. Alam mo ang trabaho punta ako… paasahin kayo sa Malacañang,” pahayag ng Pangulo.

Nagbiro pa ang Pangulo na posibleng siya ang unang presidente na magpapakamatay lalo pa’t hindi niya gusto ang napapaligiran ng mga security.

“Pero ako ba siguro ang unang Presidente mag-suicide. Susmaryosep, you know, akala kasi natin Palace with all the glamour, may security, sige ang, sunod-sunod,” ani Duterte.

Nagbiro rin ang Pangulo na papatayin niya ang sinumang President Security na magbubunyag tungkol sa kanyang girlfriend.

“Pati ‘yung negosyo ko sa mga ano ko. Hindi na ako maka-ano kasi malaman nila (security). Kaya itong mga, kayong Presidential Security, pag may nalaman ako na sinagot kayo ng girlfriend ko, patayin ko kayong lahat,” biro ng Pangulo.

Nauna rito,  muling binanggit ng Pangulo na wala siyang ilusyon bilang Pangulo at wala rin siyang ginastos o isinangla para makuha ang posisyon.

Pero itataya umano niya ang kanyang karangalan at buhay at mismong ang pagka-pangulo para sa kanyang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with