^

Bansa

Palasyo nagpaliwang sa Hitler comment

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumipensa kahapon ang Malacanang laban sa mga bagong batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ginawa niyang pagkukum­para sa plano niyang gawin sa nasa tatlong milyong adik sa bansa sa ginawa ni Adolf Hitler na pagmasaker sa nasa tatlong milyong Hudyo.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, kinikilala ng Pilipinas ang kahalagahan ng naging kara­nasan ng mga Hudyo lalo na ang trahedyang kanilang pinagdaanan.

Hindi umano layunin ng Malacanang na baliwalain ang pagkawala ng nasa 6 na milyong Hudyo sa holocaust.

Ipinaliwaang pa ni Abella na ang sinasabi ng Pangulo tungkol sa pagpatay ay dahil sa paglalarawan sa kanya bilang isang mass murderer katulad ni Hitler pero hindi nito gusto ang nasabing label o bansag.

Napaulat na hindi na­ging katanggap-tanggap sa gobyerno ng Germany ang ginawang pagkukumpara ng Pangulo sa balak niyang gawin sa nasa 3 milyong drug adik sa bansa sa tatlong milyong Hudyo na ipinapatay ni Hitler kaya ipinatawag ng German government ang Philippine ambassador sa nasabing bansa upang magpaliwanag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with