^

Bansa

Narco-judge pinangalanan ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang hukom sa Agusan del Sur na kasama sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel, Davao City noong Biyernes, binanggit ni Duterte na kabilang sa listahan ang judge na tinambangan isang linggo bago siya umalis patungong Vietnam at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

Ang tinutukoy ni Duterte ay si Judge Hector Salise, presiding judge ng RTC 7 sa Bayugan City.

 “Papangalanan ko siya sa harap ng publiko. Na­balitaan kong tinambangan siya sa kung saang lugar. Nandito ang pangalan. (Judge Hector Salise) Agusan del Sur. Case fixing,” sabi ni Duterte.

Tiniyak rin ni Duterte na muling na-validate ang listahan ng mga sangkot sa droga.

Karamihan rin umano sa mga nasa hawak niyang listahan ay mga pulis, barangay captains, may ilang mayors dalawang congressmen at mga huwes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with