^

Bansa

Drug lords sa Metro Manila nagtago na sa Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsisipagtago na umano sa rehiyon ng Mindanao ang mga drug lord sa Metro Manila kaugnay ng implementasyon ng Oplan Double Barrel o ang pinalakas na giyera kontra droga ng pamahalaan.

Ito ang ibinulgar ni Interior Secretary Michael Sueno na nagsabing maging ang mga itinuturing na “untouchables’ drug lord ng Metro Manila ay nayanig sa magnitude ng puspusang kampanya ng Philippine National Police laban sa illegal na droga kaya nagsipagtago na sa Mindanao.

Ayon kay Sueno , ito rin ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga operatiba na manghuli ng mga big fish na drug lord sa Metro Manila .

Ang nasabing mga drug lords ang nasa likod anya ng pamamayagpag ng illegal drug trade sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa pero dahilan sa tindi ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang ay mistulang nababahag na ang buntot ng mga ito para lumantad.

“Masyado silang malakas dahil may pera at baril sila. Meron silang mga tao at kinatatakutan sila ng kanilang mga tao, ngayon takot na takot sila, karamihan sa kanila ay nagtatago,” diin ng kalihim.

Sa tala, sa lehitimong anti-drug operations ng PNP ay umaabot na sa 1,323 na ang napapatay na mga drug pushers habang nasa mahigit namang 2,000 ang biktima ng summary executions simula lamang noong Hulyo 1 hanggang sa kasalukuyan.

Ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinisisi ng mga kritikto partikular na ni Senadora Leila de Lima at ng Human Rights Commission sa mga kaso ng extra judicial killings laban sa mga drug pushers .

Sa kabila nito, iginiit ni Sueno na hindi ang pamahalaan ang nasa likod ng pamamaslang sa mga drug pushers kundi mga kasamahan rin ng mga ito sa sindikato ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with