^

Bansa

Pangkalahatang amnestiya sa mga bilanggo, iminungkahi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa, iminungkahi ng isang kongresista na magpatupad ang gobyerno ng pangkalahatang amnestiya para sa mga preso na nakulong na sa mahabang panahon.

Sa plenary debate para sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) , sinabi ni Buhay partylist Lito Atienza na maaaring gawin ang general amnesty para sa mga preso na may minor cases na hindi pa rin nasesentensyahan ng korte subalit nakulong na ng higit pa sa parusa nito.

Paliwanag ni Atienza, na maraming bilanggo ang ganito ang sitwasyon dahil sa bagal ng takbo ng sistema ng hustisya sa bansa.

Bukod dito maaari rin umanong mapagtibay ng isang re­solusyon o batas ang buong Kongreso para bigyan ng awtorisasyon si Pangulong Duterte na magpatupad ng amnestiya para sa mga ganitong bilanggo.

Sa plenary debate ng budget ng DILG,nabatid na tumaas ng 59% ang bilang ng mga preso sa mga bilangguan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng kagawaran.

Ito ay dahil sa resulta umano ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Dahil dito kaya sinabi ni Atienza na mas urgent na aksyunan ng gobyerno ang pagpapaluwag ng mga kulungan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with