^

Bansa

AMLC pahaharapin sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipapatawag din ng Kamara ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice (DOJ) kaugnay sa isyu ng paglaganap ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). Nabatid mula sa Committee Secretariat ni Rep. Reynaldo Umali na nakahanda na ang kopya ng subpoena para sa AMLC  at iaakyat na ito kay Speaker Pantaleon Alvarez para mapirmahan ito at maaprubahan.

Ang ipapadala sa AMLC ay subpoena duces tecum na mag- aatas dito na iprisinta sa komite ang bank records na pinaniniwalaang pinagdeposituhan ng drug money na konektado umano kay Senador Leila de Lima.

Ang nasabing dokumento ay una na umanong naisumite ng AMLC sa Department of Justice (DOJ)dahil base sa pahayag ni Sec Vitaliano Aguirre.

Mayroon sa bank account na nasilip ng AMLC ang nagla­laman ng hanggang P500 milyon piso.

Samantala, nauna na ring pinirmahan ni Alvarez ang subpoena para kay Jaybee Sebastian, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez, Franklin Bucayu at PAOCC DIrector Reginald Villasanta. Inaasahang haharap ang mga ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa Miyerkules subalit magbibigay daan naman ang Kamara kung hindi makakadalo si Sebastian matapos itong masaksak sa riot sa NBP noong Lunes.

Tiniyak naman ni Alvarez na tatapusin na nila sa susunod na Oktubre 5 ang nasabing pagdinig dahil naniniwala siya na sapat na ang mga nakuha at makukuha pang impormasyon sa kung ano talaga ang nangyari sa NBP kaya lumaganap ang droga dito.

Sapat na rin umano ang mga direktang testimonya ng mga saksi para makabuo sila ng bagong lehislasyon upang masolusyunan ang mga butas sa sistema sa NBP para hindi na makalusot pa ang mga illegal na droga dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with