^

Bansa

Sagot ni Duterte kay Jaybee ‘I don’t talk to criminals’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggihan ni Pangulong Rody Duterte sa hiling ng kampo ng kontrobersiyal na bilanggo na si Jaybee Sebastian, na sa kanya (Digong) lamang isisiwalat ang mga pasabog na impormasyon  tungkol sa drug trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa Pangulo, hindi siya nakikipag-usap sa kriminal. Kung gusto umano ni Sebastian ay magtungo siya sa fiscal at doon  magbigay ng kanyang nalalaman.

“May problema na sila ngayon”, dagdag pa ni Digong matapos siyang bumalik sa bansa makaraang ang dalawang araw na pagbisita sa Vietnam.

Sinabi ng Pangulo na kung ano ang nangyayari ngayon kay Sebastian ay resulta na rin ng kanilang maling gawain.

Samantala, tahasang sinabi ng Department of Justice na maaari nilang ikonsidera  ang hiling ng kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian na mailipat siya ng penal colony.

Ayon kay Justice Vitaliano Aguirre, kung talagang nanganganib si Sebastian sa Bilibib ay posible nilang pagbigyan ang kahilingan ng abugado ni Sebastian.

Pero muling nanindigan si Aguirre na kahit wala ang koordinasyon ni Sebastian ay tatayo ang kaso kaugnay ng paglaganap ng droga sa Bilibid.

Kung magdedesisyon umano si Sebastian na makipagtulungan sa gobyerno, dapat wala itong kundisyon at magsasabi siya nang buong katotohanan.

Ipinagtataka pa ni Aguirre kung bakit may komunikasyon si de Lima sa kaanak ng mga preso matapos nitong aminin kamakailan na tumatawag sa kanya ang misis ni Sebastian.

Sa ngayon, ayaw pa muna niyang pangalanan ang mga ihaharap na mga testigo sa susunod na pagdinig pero kasama raw dito ang mga police officer at mga inmate na magpapatunay na aabot sa 300 million pesos ang nasamsam sa Bilibid raid nuong December 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with