^

Bansa

Duterte kay Sebastian: ‘Di ako nakikipag-usap sa mga kriminal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ni New Bilibid Prison (NBP) high-profile inmate Jaybee Sebastian na makausap siya.

"I do not talk to criminals. He can go to the fiscal if he wants or maybe write a letter to [Foreign Affairs] Secretary [Perfecto] Yasay if that is feasible," pahayag ni Duterte ngayong Biyernes.

Nais ni Sebastian na kay Duterte lamang magsasabi ng kaniyang mga nalalaman tungkol sa ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

BASAHIN: Speaker Alvarez duda sa timing ng Bilibid riot

Isa si Sebastian sa mga sugatan matapos magkaroon ng riot sa loob ng piitan, kung saan isa ang nasawi.

Sinabi ng abogado ni Sebastian na may kinalaman sa imbestigasyon ng Kamara ang kaguluhan na naganap sa loob ng Bilibid.

Ilang high-profile inmates na ang humarap sa pagdinig ng house committee on justice sa kalakaran ng ilegal na droga sa Bilibid at ang kaugnayan umano ni Sen. Leila de Lima.

BASAHIN: Bilibid riot bahagi ng teleserye drama ni Aguirre, Malacañang

Nabanggit ni De Lima na isang asset ng gobyerno si Sebastian noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice sa administrasyon ni dating Pangulo Benigno Aquino III.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with