^

Bansa

Digong ililigpit ng CIA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

HANOI, Vietnam -- Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatanggap siya ng ulat na plano ng Central Intlligence Agency (CIA) na patayin siya.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa harap ng Filipino community kamakalawa ng gabi sa Intercontinental hotel.

“Sabi nila, may plano daw ang CIA na patayin ako—susmaryosep, ginoo. Until now, I cannot even believe that I’m the mayor. Bigyan mo muna ako ng panahon mag-isip—I’ll be a Presidente. I’d been mayor for 23 years kaya ang tawag ... ang sabi ko nga sa kanila, you call me mayor. Do not call me President, nakokornihan ako,” wika ni Duterte sa Filipino community dito.

Nauna rito ay inihayag na din ng Pangulo na may plano din ang ISIS na nagre-recruit ng miyembro sa Mindanao na maghasik ng kaguluhan at target din umano siya ng asasinasyon.

Umani din ng batikos si Duterte sa US gayundin sa United Nations dahil sa sinasabng extra judicial killings sa gitna ng giyera kontra droga ng gobyerno bukod sa pagmumura ng Pangulo kay Barack Obama at UN secretary general Ban Ki-moon.

Pinayuhan din nito ang mga US soldiers na nasa Mindanao na umalis na dahil sa banta ng bandidong Abu Sayyaf sa mga puti.

Idinagdag pa ng Pangulo, ayaw sa kanya ng Estados Unidos gaya ng pag-ayaw ng mga ito noon kina Saddam Hussein ng Iraq, Muammar Gaddafi ng Libya, at Bashar al-Assad ng Syria.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with