^

Bansa

100 junkshops, tinarget sa clearing operations sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natapos na ang pamamayagpag ng may 100 junkshops sa kahabaan ng Onyx St. sa San Andres, Maynila matapos na suyurin ng mga tauhan ng Manila City hall ang lugar bunsod ng masikip na daloy ng trapiko dahil sa maraming obstructions.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, mula Florentino Sts.  hanggang  Zobel Roxas St. sa kahabaan ng Onyx St.  at maging ang Dagonoy Market ay nilinis  ng Task Force Manila Clean-up upang mabigyan ng prayoridad ang mga motorista.

Ani Estrada, panahon na para linisin at paluwagin ang kalye mula sa mga nakahambalang na nagdudulot ng pagsisikip ng daan kung saan nagsasakripisyo ang mga motorista at mananakay.

Giniba rin ang mga barung-barong na nakatayo sa gitna o sa island na mas lalo pang nagpapasikip ng daan.

Pinabeberipika rin kung may mga business permit  ang mga naturang junkshop at ma-regulate ng Bureau of Permits upang hindi na makapagpasikip ng daloy ng trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with