^

Bansa

Digong suportado ng mga Pinoy sa Vietnam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

HANOI, Vietnam - Suportado ng mga Filipino community dito ang giyera kontra illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilunsad sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Jun Felix na lider ng Filipino community dito sa Hanoi.

Ayon kay Felix, magtatagumpay ang giyera kontra illegal drugs ni Pangulong Duterte kung susuportahan ito ng bawat Pilipino lalo’t ang layunin naman ng gobyerno ay mawakasan ang illegal drugs sa Pilipinas.

Wika pa ni Felix, sa bawat giyera ay dapat may magsakripisyo dahil para naman ito sa ikabubuti ng susunod na henerasyon sa ating bansa. Aniya, mas madugo nga ang kampanya laban sa illegal drugs dito dahil may parusang bitay sa Vietnam sa pamamagitan ng ‘firing squad’.

Idinagdag pa ni Felix, dapat gumamit talaga ng kamay na bakal ang gobyerno upang tuluyang masugpo ang illegal drugs sa Pilipinas at naniniwala silang makakaya ito ni Pangulong Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with