^

Bansa

P96-B pondo ng ARMM nawawala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan kung saan napunta ang bilyong pisong unliquidated funds ng Autonomous Region  in Muslim Mindanao (ARMM) mula pa noong 2012.

Ayon kay Tan, mahigit P96 bilyong pondo ng ARMM regional government sa nakalipas na apat na taon ang nananatili pa rin na unaccounted.

Kaya naman kinukwestyon ng kongresista kung bakit mas malaki ang hinihinging budget increase ng ARMM para sa 2017 kung saan mula P29.4 bilyon ngayong 2016 ay hiniling na maging P41.78 bilyon sa 2017.

Nitong 2014 at 2015, ang 731 milyon at P1.2 bilyong pondo ang inilaan para sa pagtatayo ng silid-aralan pero batay sa DepEd projects status report ay wala namang ni sentimo ang napunta sa nasabing proyekto.

Hinamon naman ni ARMM Governor Mujiv Hataman si Tan na dalhin ang kanyang reklamo sa tamang authority kung sa tingin niya ay mayroong naganap na iregularidad sa kanilang  mga proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with