^

Bansa

Lacson: ‘Narco list’ ‘wag isapubliko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huwag dapat ipaalam sa publiko ang anumang produkto ng intelligence workshop tulad ng “narco list” taliwas sa ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

"A 'narco list', just like an Order of Battle, is a product of an intelligence workshop and is disseminated only to personnel with the corresponding security clearance," wika ni Lacson.

Sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police na maaaring malagay sa alanganin ang intelligence operations kung isasapubliko ang mga ito.

Kahapon lamang ay humingi ng paumanhin si Duterte sa mga opisyal ng lalawigan ng Pangasinan na idinawit niya sa ilegal na droga.

BASAHIN: Duterte sa maling pagdawit sa Pangasinan execs sa ‘narco list’: I am sorry

Inamin niya ang pagkakamali sa pagsasapubliko ng pangalan nina dating Pangasinan governor at ngayo’y Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., Pangasinan Provincial Administrator Rafael "Raffy" Baraan at Pangasinan Board Member Raul Sison.

Sa kabila nito ay iginiit ni Duterte na ang Pangasinan officials lamang ang mali sa listahan, habang ang iba pa ay kumpirmadong may kinalaman sa pagpapatakbo ng ilegal na droga sa bansa.

Nakatakdang ilabas muli ng Pangulo ang panibagong listahan pagkabalik niya mula sa kaniyang dalawang araw na working visit sa Vietnam.

"An immediate review of all the 'narco lists' is in order. As I said, the president or any official making a classified document public is ill-advised and will not serve the purpose for which it was prepared," komento ni Lacson.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with