^

Bansa

Ginang ng drug suspect, kalaboso matapos manuhol sa mga pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang ginang ang kinasuhan sa Caloocan City Prosecutor’s Office  makaraang suhulan ng P100,000 at baril ang isang tauhan ng Caloocan City Police upang mapakawalan ang kanyang mister na unang nadakip kamakailan sa pagtutulak ng iligal na droga.

Nakaditine ngayon sa Caloocan City Police Detention Center ang ginang na si Christina Quintan, at misis ng drug suspek na si Angelito Quintan.

Sa ulat, unang nadakip ng mga tauhan ng CCPS-Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group si Angelito Quintan at kasamahang si Eddie Paunan noong Setyembre 23.  Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 126 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P240,000.

Habang nakaditine sa tanggapan ng SAID-SOTG nitong Setyembre 24, kinausap umano ni Christina Quintan si PO2 Garganera at inalok ng P100,000 at isang kalibre .45 Yonkers NY USA na baril para magawaan ng paraan upang makalaya ang mister at si Paunan. Tahasang tumanggi si Garganera at agad na inaresto si Quintan dahil sa panunuhol.

Sinampahan rin ang suspek ng hiwalay na kasong illegal possession of firearms at ang panunuhol sa pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with