^

Bansa

Bagong patakaran sa Public Affairs Office ng Quezon City, kinondena

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangang nang mag-log in ang lahat ng mga  outsiders kasama na ang mga miyembro ng media sa log book ng Public Affairs and Information Services Office (PAISO) ng QC Hall oras na pumasok sa  naturang tanggapan.

Ito ay nakasaad sa office order 2- 2016 na ipinalabas at nilagdaan  ni PAISO head Ares Gutierrez na epektibong ipinatupad mula noong September 23, 2016.

Nakasaad din dito na hindi maaaring gamitin ng hindi tauhan ng PAISO tulad ng media ang alinmang compu­ters ng PAISO para sa kaukulang seguridad.

Batay pa sa order, hindi maaaring pumasok ang sinumang outsiders sa working area ng PAISO ng walang pahintulot si Gutierez.

Ang sinuman umanong mga tauhan ng PAISO tulad ng mga consultant at contractuals na magpapasok  ng mga outsiders at hindi tutupdin ang kanyang utos ay parurusahan.

Reaksiyon ng mga media sa QC, hindi sana isinama ni Gutierrez ang media dahil katulong niya ang mga ito sa pagpapalaganap ng impormasyon ng mga programa ni Mayor Herbert Bautista.

Ang PAISO  anila ay isang public office na maaaring puntahan ng lahat ng sinumang indibiduwal na nanga­ngailangan ng ayuda ng lokal na pamahalaan.

Dapat din sanang nagtalaga si Gutierrez ng kahit isang computer sa Paiso sa  sinumang taga media na nais na gumawa ng balita ni Bistek .

Ang naturang hakbang ay ngayon lang nangyari nang maupong hepe ng PAISO si Gutierrez .

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with