^

Bansa

7 dedo sa magdamag na pamamaril sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong lalaki na hi­nihinalang sangkot sa iligal na droga ang na­dagdag sa listahan ng mga napapaslang ng grupo ng  vigilante  sa loob lamang ng siyam na oras sa lungsod ng Caloocan.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-3 kahapon ng madaling araw nang mapaslang si Erwin Bernal, 45-anyos, nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo habang nasa harap siya ng kanyang bahay sa  Brgy. 147, Bagong Barrio.

Nabatid na kabilang sa mga sumuko si Bernal sa barangay sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ngunit ipinagtanggol siya ng mga kapitbahay na nagsabing mabuting tao umano ang biktima.

Ala-1:30 naman ng umaga nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasuot ng face masks sina Gerald Cruz, 33; at Gilbert Purgatoryo, 27, habang nag-uusap ang dalawa sa may PNR Compound, Brgy. 73, Sangandaan.  Agad na nasawi si Purgator­yo habang nalagutan ng hininga sa loob ng Caloocan City Medical Center si Cruz.

Itinuro naman ng mga kaanak ng biktima ang isang PO1 Custodio, residente umano ng kalapit na barangay na isa sa mga namaril na salarin makaraang makilala nila nang magtanggal ng face mask habang sakay ng motorsiklo sa kanilang pagtakas.

Natutulog naman sa loob ng kanyang bahay dakong alas-11:40 kamakalawa ng gabi si Henry Aribaca, tricycle driver, ng  Brgy. 176, Bagong Silang, nang puwersahang pumasok ang hindi nakilalang mga salarin na pawang nakasuot din ng face masks at bonnet saka pinagbabaril ang biktima.

Sa Barangay Camarin, dalawang armadong suspects ang bumaril at nakapaslang sa isang nakilala lamang sa pa­ngalang Lucas Padlang habang dakong alas-9 ng gabi nang pagbabarilin din at mapatay ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo si Ranalyn Dangcalan, 36, sa may Phase 6 ng naturang barangay.

Alas-8 kamakalawa ng gabi nang patayin din ng mga nakamotorsiklong lalaki si Valentino Naraga nang pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa No. 2687 Bernadette Street, Brgy. 186, ng naturang lungsod.

Iniimbestigahan naman umano ng pulisya ang naturang walang tigil na pamamaslang ng mga nakamaskarang lalaki ngunit wala pang resulta na nailalabas ang Caloocan City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with