^

Bansa

Pinoy fishers itinaboy ng Chinese sa WPS

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na pahintulutan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa West Philippine Sea, muling itinaboy ng mga Tsino sakay ng rubber boats ang mga Pinoy lulan ng dalawang bangka habang nangingisda sa Scarbo­rough Shoal o Panatag Shoal noong Setyembre 6.

Nabatid na ng mga panahon na ‘yon ay nasa lugar ang mga barko ng Chinese Coast Guard na nagbabantay sa shoal na kanilang inaari sa kabila ng United Nations ru­ling na payagan ang mga mangi­ngisda na malayang makapangisda sa “common o traditional fishing ground”.

Naispatan din umano ang barko ng People’s Li­beration Army Navy vessel sa shoal noong Setyembre 7 habang isa pang Chinese Coast Guard vessel ang nagpapatrulya noong Setyembre 10.

Nakiusap ang mga mangingisdang Pinoy na payagan silang mangisda sa lugar subalit isa pang Chinese rubber boat ang dumating at nagtaboy sa kanila sa shoal.

Isa pang bangka ng mga mangingisdang Pinoy umano na patungo sa Bajo de Masinloc ang hinarang din umano ng isang Chinese rubber boat.

Nabatid na dalawang Chinese rubber boats ang humaharang at humahabol sa mga mangingisdang Pinoy sa naturang shoal at saka bumabalik sa kanilang mother ship.

Matapos ang pagsita sa kanila, nanatili umano ang mga mangingisdang Pinoy sa shoal ng gabing ‘yon subalit umalis din sila kinaumagahan dahil sa takot sa pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with