^

Bansa

ASG di-kakausapin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipag-usap at magbibigay ng amnesty sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG). Sinabi ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa oath-taking ng mga opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), hinding-hindi siya makikipag-usap sa Abu Sayyaf at lalong hindi niya pagkakalooban ang mga ito ng amnesty. Kinatigan din ni Duterte ang naging desisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tanggihan ang pakiusap ni Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari na magkaroon muna ng ceasefire ang military operations laban sa Abu Sayyaf para umano masagip ang natitirang bihag ng mga ito. Magugunita na 5 batalyon ng sundalo ang ipinadala ng Pangulo sa Sulu upang habulin ang Abu Sayyaf kasunod ng ginawa nitong pagpugot sa ulo ng 18-anyos na kidnap victim na hindi nakabayad ng ransom.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with