^

Bansa

Bill laban sa suspension sa mga kongresista isinampa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para hindi masuspinde ang mga kongresista na nakakasuhan sa Sandiganbayan dahilan sa mga irregularidad na nangyayari sa dati nilang posisyon sa gobyerno.

Ang House Bill 3605 na inihain nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority leader Rodolfo Farinas, Minority leader Danilo Suarez at Kabayan partylist Rep. Harry Roque ay suportado na ng mahigit 50 kongresista na lumagda sa panukala bilang co-authors.

Pinaamyendahan ng panukala ang Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nakasaad sa panukala na bibigyan ng exemption sa pagpapataw ng preventive suspension ng Korte sa sinumang opisyal ng gobyerno na hindi na konektado sa dating posisyon kung saan nag-ugat ang iregularidad na dahilan ng asunto nito.

Ipinaliwanag sa panukala na ang preventive suspension ay nag­lalayon lamang na hindi maimpluwensyahan ng akusado ang mga saksi at hindi mapakialaman ang mga records na maaaring magamit na ebidensya laban dito.

Subalit kung wala na sa dating posisyon kung saan nangyari ang iregularidad ay hindi na umano mangyayari ang pinanga­ngambahang pang-iimpluwensya ng akusado kaya hindi na kailangan ang preventive suspension.

Sa kasalukuyan, sina Pangasinan Rep.Amado Espino at Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte ang mayroong preventive suspension order mula sa Sandiganbayan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with