^

Bansa

Anti-drug education sa mga mag-aaral

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay ituturo ng mga sundalo ang anti-drug education na programa ng Drug Abuse Resistance Education (DARE) sa mga mag-aaral sa bansa.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, ang mga sundalong sinanay sa anti-drug education ay bahagi ng adhikaing mapalawak ang implementasyon ng DARE sa mga paaralan hindi lang sa Maynila kundi sa buong kapuluan.

Umabot sa 29 miyembro ng Philippine Army-Civil Military Operations Group (CMOG) sa ilalim ni Col. Thomas Sedano ang nagtapos bilang DARE instructors sa Manila City Hall noong Biyernes.

Ayon kay Dr. Antonio Abacan, Jr., presidente ng DARE Philippines Association, Inc., nakumpleto ng 29 miyembro ng CMOG ang 10-araw, 80-oras na DARE Officers Training Course.

“First time ‘to sa Philippine Army. Integrate natin ito (DARE) sa ­ating ‘Pinoy Batang Bayani’ program na nagtuturo ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa ating mga kabataang mag-aaral,”pahayag ni Col. Sedano.

Bukod sa mga nagtapos na sundalo ay may 14 pang pulis ang naunang nagtapos ng nasabing programa na kasalukuyang nagtuturo sa paaralan sa Maynila.

Si Mayor Estrada ang chairman ng DARE Philippines Association, Inc., na nagpakilala sa DARE sa bansa mula sa US noong bise presidente pa ito at pinuno ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) noong 1993.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with