^

Bansa

BDO nangungunang employer

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinilala ang BDO Unibank (BDO) bilang nangungunang employer sa sektor ng institusyong pampinansyal, ayon ito sa online recruitment site na Jobstreet.com.

Nagsagawa ng su­nod-sunod na survey at panayam ang Jobstreet noong Mayo hanggang Hulyo nitong taon sa higit na 14,000 na kasapi ng website. Karamihan sa mga miyembro nito ay bagong gradweyt at junior executive. Tinanong sila kung saang kumpanya nila nais magtrabaho.

Lumalabas na ang BDO ay “4th Most Preferred Employer” sa Top 10 Companies ng Jobstreet nitong taon. Ibig sabihin, sa kasaysayan ng survey, ang BDO ang natatanging institusyong pampinansyal na kasama sa listahan nito ng sampung nangungunang kumpanya.

Sa ibang balita, nakamit din ng BDO ang Certificate of Compliance sa Occupational Safety and Health Standards sa National Capital Region at sa General Labor Standards.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with