Drug suspek utas sa tandem
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isa na namang drug suspek ang itinumba makaraang ratratin ng motorcycle-riding assassins sa gilid ng highway sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni P/Chief Inspector Rafael Cabonatilla, hepe ng Bambang PNP ang biktima na si Frats Winter Tan, 38, ng Barangay Buag sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na may kausap na driver sa gilid ng highway noong Biyernes.
Gayunman, nilapitan at pinagbabaril ng tandem ang biktima na unang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya.
Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo sa pamamaslang matapos bumalik umano sa pagtutulak ang biktima.
- Latest