^

Bansa

Suspek sa pagpatay sa chairman, tiklo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasakote ang 42-anyos na ex-Cafgu na sangkot sa pagpatay sa barangay chairman at bigong pananambang sa alkalde ng Cagayan noong 2013 matapos itong matunton sa kanyang lungga sa Barangay Buluan sa bayan ng Conner, Apayao kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley PNP ang suspek na si Gilbert Mamauag ng Barangay Pasingan, Rizal, Cagayan.?

Ayon kay Iringan, si Mamauag ay nahaharap sa kasong pagpatay kay Chairman Edwin Gannaban na masugid na supporter ni Mayor Joel Ruma noong Hulyo 2013.?

Sa record ng pulisya, bukod sa pagpatay kay Gannaban ay inambush din ng suspek si Mayor Ruma sa Barangay Gaggabutan East subalit parang palos na natakasan ng alkalde si kamatayan.?

Ayon pa sa record ng pulisya, si Randy Gadduan na isa ring ex-Cafgu na kasabwat ni Mamauag ay pinatay naman makalipas ang pangatlong araw nang pananambang kay Mayor Ruma.?

Dahil sa bigong pagtugis kay Mamauag ay nasibak pa ang hepe ng pulisya sa Rizal.

Si Mamauag na top most wanted sa bayan ng Rizal ang sinasabing naghahasik ng lagim at kinatatakutan ng mga tao sa nasabing bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with