^

Bansa

1,400 US troops sasabak sa military exercise sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng naging panawagan ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa mga sundalong Amerikano na umalis na sa Mindanao, pinatunayan na nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos matapos na itakda sa susunod na buwan ang pagsasagawa ng joint military exercise at war games sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kalatas ng US Embassy sa Manila, mismong ang Armed Forces of the Philippines ang nag-imbita sa tropa ng Estados Unidos para sa joint Phl-US war games na isasagawa sa Oktubre 4-12 sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon sa Embahada, lalahok sa kanilang panig ang may 1,400 US troops na nakabase sa Okinawa, Japan mula sa 3rd Marine Expeditionary Brigade at Bonhomme Richard Expeditionary Strike Group (Phiblex 33) para sa Philippines Amphibious Landing Exercise (Phiblex 33) na kinabibilangan ng amphibious landing exercise at small arms live-fire training na sinamahan ng artillery. May 500 sundalo naman sa panig ng Pilipinas ang sasabak sa naturang pagsasanay.

Isasagawa sa Luzon ang Phiblex 33 kabilang ang Palawan na ilang milya lang ang layo sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“The opportunity to train and build mutually beneficial capabilities with our Armed Forces of the Philippines partners is essential for sharpening our bilateral amphibious and humanitarian assistance capabilities, both hallmarks of the US Marine Corps,” ayon kay 3rd US Marine Expeditionary Brigade commanding general Brig. Gen. John M. Jansen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with