^

Bansa

MMDA, HPG naghahanda na sa mas malubha pang trapiko sa Christmas season

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaga pa lang ay naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at PNP-Highway Patrol Group para sa inaasa­hang mas malubha pang daloy ng trapiko sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA spokesperson Celina Pialago, na ipapatupad nila ang pagsi-sector sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para sa mas maayos, mabilis at tamang pagresponde sa mga problema sa daloy ng trapiko.  Dito hahati-hatiin sa iba’t ibang sektor ang mga lugar ng Camanava, C5, EDSA at mga parte ng Quezon City.

Magsasagawa muna ng “information campaign” ang MMDA at PNP-HPG sa pamamagitan ng mga ikakalat na signages para malaman ng publiko ang mga bubuuing sektor.  Nakasaad rin dito ang mga contact numbers ng mga pinuno ng mga sektor para mas mabilis na maaksyunan ang mga problema tulad ng illegal parking, illegal vendors, mga aksidente sa kalsada, at iba pang obstruksyon.

Kasalukuyang kina-calibrate na rin ng MMDA at PNP-HPG ang kanilang mga radio equipment para sa mas maayos na koordinasyon.

Mas palalakasin naman ang “clearing operations” sa Mabuhay Lanes at iba pang kalsadang idideklarang alternatibong ruta na nais umiwas sa EDSA sa panahon ng Kapaskuhan.  Patunay ng tuluy-tuloy na kampanya sa illegal parking ang pagkakahuli sa 200 behikulo nitong nakaraang Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with