Digong bibisita sa Vietnam
MANILA, Philippines – Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hanoi, Vietnam sa linggong ito, ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar.
Kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang delegasyon si Trade Sec.Ramon Lopez.
Tiniyak din ni Andanar na makikipagpulong si Duterte sa Filipino community sa Hanoi gayundin sa business community ng Vietnam.
Ang working visit ng Pangulo sa Hanoi ay mula ? September 28-29. Magugunita na nagkita sa ASEAN sina Duterte at Vietnamese Prime Minister Ngu Yen kung saan inimbitahan ng PM si Pangulong Rody na dumalaw sa Vietnam.
- Latest