^

Bansa

‘Helen’ napanatili ang lakas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bahagyang napanatili ng bagyong Helen ang kanyang lakas habang patungo sa Batanes hanggang sa lugar ng Taiwan.

Ayon kay Adzcar Aurelio ng PAGASA, si Helen ay nanatili sa silangang bahagi ng karagatan ng Pilipinas, subalit wala namang epekto ito sa ating bansa. 

Gayunman nakataas ang signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands, na makakaranas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa loob ng 36 na oras. Ang lakas ng hangin ay umaabot sa 140 km per hour at bugso na aabot sa 175 km per hour.

Inaasahang kikilos ito sa kanluran hilagang kanluran habang patungo sa Batanes-Taiwan area.

Dakong alas-11 ng umaga ang layo ng sentro ng bagyong Helen ay nasa 995 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Sa Metro Manila ay magandang panahon ang mararanasan dahil sa malayo pa ang bagyo, subalit posibleng sa araw ng Lunes (bukas) ay asahan nang mag-umpisa na ang pagkakaroon ng kaulapan hanggang sa pag-ulan dulot ng Habagat.

Makakaapekto ang naturang Habagat sa Visayas at Mindanao.

Kaugnay nito, binalaan ni Aurelio ang mga mangingisda sa Batanes na dahil sa malaking alon na mararanasan sa eastern at northern seaboard ay bawal pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat.

Inaasahang sa darating na Huwebes ay nasa west north west ng Basco, Batanes si Helen hanggang sa makalabas na ito ng Philippine Area of Responsibilty.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with