^

Bansa

US di nais ng giyera vs China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nanaisin ng Amerika ang giyera laban sa China kaugnay ng isyu ng pinagtatalunang teritor­yo sa South China Sea (West Philippine Sea) na ang malaking bahagi ay pag-aari ng Pilipinas.

Sinabi ni Lorenzana na hindi niya nakikita na magkakaroon ng giyera sa pagitan ng China at ng Amerika bunga ng nasabing isyu sa ‘freedom of navigation’  dahil masyado itong magastos at maapektuhan ang pandaigdigang kalakalan na umaabot sa 5 trilyong dolyares kada taon.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauubaya na ng Pilipinas sa Amerika ang pagpapatrulya sa WPS para maiwasan ang maling kalkulasyon sa loob ng 12 milyang teritoryo ng katubigan ng bansa. 

Bagaman pinadidistansya ng China ang Amerika sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay iginigiit naman ito ng huli upang bigyang proteksyon ang ‘freedom of navigation’ kaugnay ng plano ng mga Intsik na iimplementa sa lugar ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) at kontrolin rin ang paglalayag ng mga dayuhang barko sa teritoryo.

Nakatakda namang tumulak si Lorenzana sa susunod na linggo sa Hawaii upang dumalo sa US-ASEAN Defense Ministers Meeting kung saan pag-uusapan ang West Philippine Sea at pagsugpo sa banta ng pandaigdigang terorismo. 

Mahalaga anya ang nasabing pagpupulong dahil makakausap niya si US Defense Secretary Ashton Carter kung saan tatalakayin ang patuloy na panghaharass at pambu-bully ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.

Nilinaw rin ng Defense Chief na tuloy pa rin ang pagsasagawa ng military exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kahit sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang umalis na sa Mindanao ang US troops dahil baka mabiktima ang mga ito ng kidnapping ng Abu Sayyaf. 

Ayon pa sa opisyal, walang direktiba si Pa­ngulong Duterte na ipahinto na ang joint military exer­cises sa US troops  na taunang ginagawa sa bansa alinsunod sa Visiting Forces Agreement sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Nakaiskedyul ang Phl-US bilateral exercises o PHiBLEX 33 na isasagawa sa mga piling lugar sa Luzon simula Oktubre 4 hanggang Oktubre 12 na lalahukan ng 1, 400 US troops at 500 Philippine Marines at Philippine Navy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with