^

Bansa

Publiko hinikayat lumahok sa earthquake drill sa Setyembre 28

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng Malacañang ang publiko na lumahok sa gagawing earthquake drill sa Setyembre 28 sa gitna na rin ng naganap na 6.5 magnitude na lindol kahapon na yumanig sa Davao Oriental.

Ayon kay Usec. Ricardo Jalad, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council, maha­laga ang nasabing earthquake drill na gagawin sa buong bansa kung saan magiging highlight ang Biñan, Laguna.

“Yes sa September 28 nine o clock ng umaga magkakaroon ng-- ito ‘yung third National Earthquake Drill—National simultaneous earthquake drill. At ang highlight po natin diyan ay isang lugar diyan sa Biñan, Laguna,” pahayag ni Jalad.

Katulad ng mga nakaraang earthquake drills, magkakaroon ng mara­ming scenarios na inaasahang tatagal ng dalawang oras.

Isa sa mga pinagha­handaan ng gobyerno ang posibleng paggalaw ng tinatawag na West Valley Fault na makakaapekto sa ilang probinsiya sa Region 4A.

Hinikayat ni Jalad ang lahat na makiisa sa tinatawag na “duck, cover, and hold” sa sandaling magsimula na ang earthquake drill.

“Sana po sa September 28 alas nuwebe ng umaga tayo po ay mag Duck, Cover and Hold at mag-participate dito sa gagawing 3rd National Earthquake Drill. Mahalaga ang awareness dito at kaalaman natin kung ano man ang ating gagawin. Mahirap na hindi natin alam kung ano ang task. Maging todo handa po tayo pag nangyari yan. Wala po tayong preparasyon medyo malabo tayo pag kanya-kanya,” ani Jalad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with