^

Bansa

Court martial vs 2 sundalong nagbenta ng bala sa kalaban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nahaharap sa court martial dahil umano sa pagbebenta  ng bala sa mga rebeldeng grupo na inisyu ng kanilang himpilan sa rehiyon ng Mindanao.

Sa ulat ni Major Gen. Rafael Valencia, Commander ng Army’s 10th Infantry Division, ang akusadong si Sgt. Jeffrey Ordoño ay  nagnakaw umano ng 1,000 rounds ng bala na ibinenta nito sa mga rebelde na paglabag sa Article of War 85 o ang illegal na pagbebenta ng bala na pag-aari ng pamahalaan. 

Masasalang din sa court martial si Sgt. Santiago Caasi, nakatalaga sa Mechanized Infantry Division  ng Army’s 10th ID na umano’y nagbenta naman ng mga inisyung bala ng AFP sa black market sa Basilan.

Si Caasi na umano’y gumamit pa ng alyas na Staff Sgt. Randy Cruz ay nasakote noong Setyembre 20 matapos makatanggap ng impormasyon ang Army’s 1stInfantry Division na nagbebenta ito ng mga bala ng M203, M14, M16 rifles na isang paglabag rin sa Articles of War 85 ng AFP.

Kapag napatunayang guilty sa akusasyon ay mapapatalsik sa serbisyo ang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with