^

Bansa

Erap kay De Lima: ‘Voluntarily resign’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Voluntarily resign.

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Joseph Estrada kay Senador Leila De Lima kaugnay ng kontri­bersiya na kinahaharap nito hinggil sa iligal na droga.

Sa panayam kay Estrada, sinabi nito na mas makabubuti kung si de Lima na mismo ang magbibitiw sa kanyang puwesto lalo pa’t puspusan ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drugs.

Ayon kay Estrada,  bagamat nakakalungkot ang pagkakasangkot ng mga opisyal ng pamahalaan sa usapin ng droga mas kailangan ding harapin at managot ang may kasalanan.

Sinabi naman ng isang  opisyal sa city hall na matibay  na ang testimonya ni PNP Deputy chief for Operations Chief Supt. Benjamin Magalong laban sa operasyon ng droga sa New Bilibid Prison at ang hindi pagsasama umano sa raid at pagbabaklas ng kubol sa convicted drug lord na si Jaybee Sebastian.

Malakas namang tawa ang naging tugon ni Estrada nang tanungin kung dapat na lamamg manahimik si de Lima. 

Giit ni Estrada hindi umano siya nagbibigay ng ‘unsolicited advice’. Mas alam ng taong sangkot kung tama o mali ang kanyang ginagawa.

Samantala, sinabi naman ni Buhay partylist Representative Lito Atienza  na makukulong pa rin si de Lima sakaling mapatuna­yan ang pagkakasangkot nito sa illegal drugs. Aniya, non bailable ang kaso kung kaya’t kahit hindi siya mag resign kulong pa rin ang senadora.

Giit ni Atienza, hindi sila mangmang para sabihin ni de Lima na “asset” ng gobyerno si Jaybee Sebastian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with