^

Bansa

Nilinaw ni DU30 Drug problems sa Pinas, hindi alam ng mga ‘puti’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nauunawaan ng mga ‘puti’ ang drug problems ng Pilipinas kaya binabatikos nila ang drug war ng gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi alam ng mga ‘puting’ ito na mid-year ako pumasok at yari na ang budget para sa taong ito na inabutan ko lang kaya walang budget para sa rehabilitation ng mga sumukong drug addicts.

Aniya, nagboluntaryo ang China na tumulong para sa pagpapatayo ng drug rehab habang nakasumite naman sa Kongreso sa budget hearing ang panukalang pondo sa susunod na taon upang magpatayo ng mga regional rehab centers.

Inaasahan ni Duterte na aabot sa 1 milyon ang bilang ng mga drug addicts na susuko dahil nasa 700,000 na ito ngayon at nadaragdagan pa bukod sa tinatayang 3 milyong addicts sa record ng PDEA.

Idinagdag pa ni Duterte sa mensahe nito sa PRO 12 sa General Santos City, napasok na ng narco-politicians ang Pilipinas kaya dapat maging doble-kayod ang mga pulis upang maging matagumpay ang giyera laban sa illegal drugs upang hindi makompormiso ang susunod na henerasyon.

Inulit muli ni Duterte ang hamon nito sa UN, EU na magpadala ng kanilang kinatawan sa Pilipinas upang imbestigahan ang sinasabing extra judicial killings sa gitna ng inilunsad na giyera kontra droga ng gobyerno.

“May namamatay naman talaga sa legitimate police operations lalo ang mga drug pushers na lumalaban sa mga pulis, pero hindi gawain ng gobyerno na balutin ng plaster ang mga tao na itinatapon na parang mummy. Gawain ito ng sindikato,” dagdag pa ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with