^

Bansa

PNP handang iharap sa Senado ang mga pulis na idinawit ni Matobato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na iharap sa Senado ang mga pulis na idinawit ng self-confessed assassin sa Davao Death Squad (DDS). Sa kasalukuyan, ayon kay PNP Chief Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, bineberipika na nila ang mga pangalan na tinukoy ni Edgar Matobato upang alamin kung totoo ito o gawa-gawa lamang bunga na rin ng pabago-bago nitong pahayag.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senado ay tinukoy ni Matobato ang ilang pulis na nakadestino sa Davao na umano’y mga kasamahan niyang vigilantes na sangkot sa serye ng mga pamamaslang ng mga kriminal sa Davao. Inihayag ni Matobato na si dating Davao City at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y mastermind ng DDS.Gayunman, tumanggi naman si Carlos na tukuyin ang pangalan ng nasabing mga pulis dahil kay Matobato na rin umano nanggaling na hindi siya sigurado sa mga pangalang kaniyang idinadawit sa nasabing vigilante group dahil karamihan sa mga ito ay narinig at may nagsabi lamang sa kaniya.

“Every time na may marinig kami sa ganyan regarding PNP  personnel, immediately we verify whether it is true or not, kung nage-exist yung tao o hindi , as of today, we are on verification validation of Matobato’s allegations “, ani Carlos.

“They will be presented, they will be asked to appear in the next inquiry and attend the executive session, the DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) has already contacted and invited them for the next inquiry”, punto pa ni Carlos.

Aminado naman si Carlos na hindi nag-iimbestiga ang PNP sa DDS dahilan wala umanong vigilante group sa Davao.
Nabatid naman sa Davao City Police na sa kabuuang 19 pulis na tinukoy ni Matobato, 8 sa mga ito ang nasa aktibo pang serbisyo, 8 ang nagretiro na at isa ang namatay na . Magugunita na una nang pinabulaanan ng Philippine Army na isang miyembro ng CAFGU si Matobato dahilan wala ito sa kanilang rekord at hindi rin umano ito miyembro ng Civilian Home Defense Force (CHDF) na kaniyang iginiit sa Senado kamakalawa matapos na bulungan ni Senador Antonio Trillanes IV.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with