^

Bansa

Pagbasura sa drug case hiniling ni Col. Marcelino sa korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain ng mosyon sa Manila Regional Trial Court si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos siyang sampahan ng Department of Justice ng kasong possession of dangerous drugs.

Sa 23-pahinang mos­yon, kasama ni Marcelino na humiling sa korte ang kapwa niya akusado na si Yan Yi Shou, ang Chinese Interpreter na kasama niyang naaresto sa isang clandestine shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila nuong January 21, 2016.

Personal pang nagtungo si Marcelino sa Manila RTC Branch 17 kasama si Public Attorneys Office Chief Percida Acosta.

Partikular nilang hiniling sa korte na suspindihin ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dalawang akusado, huwag munang magtakda ng arraignment o pagbasa ng sakdal, at mabasura ang kaso dahil sa kawalan ng probable cause.

Iginiit sa mosyon na bago pa man ang kinukuwestiyong September 15, 2016 resolution ng DOJ, mayroon nang dalawang resolusyon na nagsasa­bing mahina ang ebidensya laban kina Marcelino at Yan Yi Shou at ito ay ang May 27, 2016 resolution ng Quezon City RTC branch 82 at ang naunang DOJ Resolution na may petsang May 23, 2016.

Hindi rin umano nasunod ang chain of custody sa mga nasamsam na ebidensya dahil walang deklarasyon na marking at pag-iimbentaryo ay hindi ginawa sa  harap ng mga akusado at wala ring kinatawan ang DOJ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with