^

Bansa

AMLC report sa Bilibid drug trade, hawak na ng DOJ

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa mga bank account transactions ng mga personalidad na isinasangkot sa milyun-milyong illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isinu­mite ng AMLC ang bank reports matapos na hilingin ito ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Aguirre na ipapasa na rin ng DOJ sa NBI na attached agency nito ang pagsasagawa ng fact finding probe sa paglaganap ng droga sa NBP na magiging basehan ng kanilang pagsasampa ng kaso sa mga indibiduwal. Kabilang si Senator Leila de Lima, ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na idinadawit sa Bilibid drug trade.

Nabatid kay Aguirre na may umiiral na memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng NBI at AMLC para sa mga pagbusisi sa mga deposito at transaksyon sa bangko ng mga iniimbestigahan nilang indibiduwal.

Sinabi ni Aguirre na nasa AMLC report ang listahan ng iba’t ibang accounts at transaction records na nagpapakita ng major deposits kabilang na ang halagang umaabot sa P500 milyon na hinihinalang drug money.

Dahil sa pinaiiral na Anti-Money Laundering Act of 2001, tumanggi si Aguirre na pangalanan ang mga depositors na nasa AMLC report.

Pinag-aaralan na ng DOJ ang paghahain ng petisyon para naman sa “freeze order” ng nasabing mga bank accounts. 

Aniya, sasampahan sa lalong madaling panahon ang mga sangkot sa illegal drug trade sa NBP matapos ang kanilang masusing imbes­tigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with