^

Bansa

May araw din po kayo! – De Lima

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagaman at emosyonal, naging matapang kahapon si Senator Leila De Lima sa kanyang privilege speech kung saan binanatan niya ang nasa likod ng aniya’y mga imbentong ebidensiya laban sa kanya.

Ayon kay De Lima, pinapatawad niya ang mga testigong  humarap kahapon sa pagdinig ng House of Representatives dahil alam niyang napilitan at napuwersa lamang ang mga ito pero ang hindi umano niya mapapatawad ay ang nasa likod ng mga imbentong ebidensiya.

 “Sa puntong ito, gusto kong iparating ang aking pagpapatawad sa lahat ng tumatayo at tatayong witness laban sa akin sa House hearing. Alam ko na kayo ay napilitan at napuwersa lamang para idawit ako sa kung anumang anomalya sa Bilibid, gamit ang panggigipit, blackmail, o marahil pati torture. Ang hindi ko mapapatawad ay ang mga nasa likod nitong pag-imbento ng ebidensiya laban sa akin. May araw din po kayo,” pahayag ni De Lima.

Sa simula ng talumpati nagpahatid ng pagbati si De Lima kay Senator Alan Peter Cayetano dahil nagtagumpay ito para matanggal siya bilang chairman ng Senate committee on justice and human rights na nag-iimbestiga sa extrajudicial killings sa bansa.

“Congratulations to Senator Alan Peter Cayetano for his triumphant victory yesterday,” pahayag ni De Lima.

Sinabi pa ni De Lima na kung hindi lamang niya binanatan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sunud-sunod na patayang nangyayari sa giyera nito laban sa droga at nanahimik na lamang siya katulad ng isang maamong tupa, marahil ay hindi niya daranasin ang pinagdaraanan niya ngayon at marahil ay hindi siya tinanggal bilang chairman ng komite.

Muling binanggit ni De Lima na hindi siya ang nagbibigay ng masamang imahe sa bansa lalo na sa international media kung hindi ang extra-judicial kil­lings ng mahigit na 3,000 katao sa nakaraang tatlong buwan.

Matapang ding sinabi ni De Lima na kasama sa nagbibigay ng masamang imahe sa bansa ang bunganga ni Pangulong Duterte.

“Sinabayan pa ito ng bunganga ng Pangulo na walang patumangging magmura.

 Inisa-isa rin ni De Lima ang diumano’y core group ng Davao Death Squad base sa testimonya sa kanya ni Edgar Matobato, ang testigong iniharap sa hearing sa Senado.

Samantala, binati rin ni De Lima si Senator Richard Gordon na bagong chairman ng committee on justice and human rights pero binalaan din niya ito tungkol sa  “unparliamentary antics” ni Cayetano.

“You can have the Justice Committee as well as the offensive and unparliamentary antics of Senator Cayetano. Package deal po yan,” pahayag ni De Lima.

Inihayag din ni De Lima na hindi dapat ikinukumpara ni Cayetano ang Pilipinas sa Singapore na isang matahimik na bansa pero walang nangyayaring patayan araw-araw.

“Kasing-tahimik at kasing-ligtas na raw tayo katulad ng Singapore. Hindi pa po ako nakapunta sa Singapore. Pero kung kasing-tahimik ng Singapore ang Pilipinas, kailangan din bang may bumubulagta na mahigit 30 tao kada araw sa Singapore para sila ay maging ligtas?” tanong ni De Lima.

Ayon pa kay De Lima, sa kasalukuyan, ang mga hindi umano sumasamba kay “Poong Duterte”,  tinatawag at ikinokonsi­derang adik, drug coddler o pusher ng mga bayarang trolls sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with