SC: Poe natural-born Pinoy
MANILA, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang hatol ng Senate Electoral Tribunal (SET) na kwalipikado si Sen. Grace Poe na tumakbo bilang senador noong 2013 polls at umupo bilang senador.
Sa botong 9-3 ay idineklarang natural-born Filipino citizen si Poe kung saan ibinasura nila ang petisyon ni Rizalito David na unang humiling na baligtarin ng mataas na hukuman ang hatol ng SET.
Sinabi ni David na hindi maaaring makonsiderang natural-born Filipino si Poe dahil sa “absence of proof of blood ties to a Filipino father or mother.”
Pinuna rin niya ang reacquisition ni Poe ng Philippine citizenship noong 2006 matapos maging naturalized US citizen.
Kinwestyo nang citizenship ni Poe nang tumakbo siyang pangulo nitong katatapos lamang na eleksyon nitong Mayo.
- Latest