^

Bansa

Ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sumuporta kay Duterte

Gemma Garcia at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklara ni dating Pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang suporta nito kay Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng “state of lawlessness”.

Kasama ni Arroyo na nagpahayag ng suporta kay Duterte sina Deputy Speakers Fredenil Castro, Mercedes Alvarez at Marlene Garcia-Albano. Sinabi ni Arroyo na wa­la itong nakikitang kwes­tyunable sa deklarasyon ng pangulo dahil ginawa rin umano niya ito noong siya pa ang pangulo at ang ikatlo umano nitong deklarasyon ay pang-national pa.

Tumanggi naman ang dating pangulo na sabihin kung dapat na takdaan ng limitasyon ang pagpapairal ng state of lawlessness dahil depende umano ito sa sitwasyon.

Sa kabila nito, tiwala si CGMA na kakayanin ni Duterte na pamahalaan ang buong bansa sa ilalim ng idineklara nitong state of lawlessness dahil sa lawak ng karanasan nito.

Ani GMA, dati na ring siyang humingi ng tulong kay Duterte nang pangulo pa siya ng bansa nang siya ay magka-problema sa Mindanao. Maging sa hanay uma­no ng AFP at PNP ay buo ang tiwala ng dating pangu­lo na hindi aabuso sa tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with