^

Bansa

Senador, et al idinawit sa droga ni Espinosa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa umanong kontrobersyal na Senador at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na nagsisilbing protektor at sangkot sa illegal drug trade sa bansa ang nasa drug matrix ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa .

Ayon kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police, ito ang ibinulgar ni Espinosa sa drug matrix na nasa kamay na ng PNP.  Si Espinosa ay nasa ilalim ng protective custody sa himpilan ng Albuera Police.

“In the signed statement of Mayor Espinosa, that (inclusion of a senator) is true,” pahayag ni Espenido kung saan pinatotohanan ng tatlong testigo na nakakaalam sa drug matrix ng Eastern Visayas na kinasasangkutan ng wanted na si Kerwin Espinosa, anak ni Mayor Espinosa na itinuturing na No. 1 drug lord sa Eastern Visayas  na nagtatago ngayon sa Malaysia.

Bukod sa Senador, may ilan pa umanong mga kilalang opisyal sa gobyerno ang nasa drug matrix pero tumangging tukuyin ang kanilang pangalan.

Kabilang umano sa nasa drug matrix bukod sa kila­lang kontrobersyal na Senador ay isang heneral ng PNP, gobernador at mga miyembro ng lokal na media.

Sinabi ni Espenido na ang sinumpaang testimonya sa drug matrix ni Espinosa ay isinumite na sa matataas na opisyal ng PNP kung saan inaasahang si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magbubulgar sa mga pangalan ng mga tiwali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with