^

Bansa

Abu ‘cannibal’ kayo! – Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘caniba­lism’ ang ginagawa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa hindi makataong pagpatay sa mga sundalo sa bakbakan sa Sulu kung saan ay pinupugutan pa nila ng ulo kahit ang kanilang mga bihag.

Nakiramay kahapon si Pangulong Duterte sa pamilya ng 15 nasawing sundalo sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf sa Sulu at humingi siya nang paumanhin sa mga naulila ng mga sundalong nalagas.

“It has deteriorated in some form of cannibalism kaya sa sundalo isang bala pag natumba na wag aksayahin panahon wag sayangin bala move on to fight another day sabi ko sa kanila wag magtanim ng galit,” wika pa ni Pangulo.

Aniya, wala siyang problema sa MNLF at MILF. May problema ako sa Abu Sayyaf because they are terrorists they kill, pugot ulo,” dagdag pa ni Duterte.

“Putulan ng ulo, hostage ‘di ito trabaho ng Tausug something is going on somewhere nakikiusap ako Tausug, Samal, Yakan magkaintindihan na lang tayo we craft the Philippines gawin natin ang bansa na magustuhan ng lahat walang malulugi kung mag-usap tayo ng husto ng kapatid natin sa Moro side ng federalism,” giit pa ni Pangulong Rody.

Iniutos din ng Pangulo na bigyan ng trabaho ang mga biyuda ng mga sundalo habang sasagutin din ng Office of the President ang pag-aaral ng mga anak ng namatay na sundalo bukod sa Pantawid Pamilya Program ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with