^

Bansa

Spill over ng ASG attack sa Metro Manila, malabo – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Minaliit kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng ‘spill over ‘ o  pag-apaw ng pag-atake ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) bilang diversionary tactics kaugnay sa ginagawang opensiba ng tropa ng militar sa Sulu upang durugin ang ektremistang grupo.

Sinabi ni Sr. Supt. Dionardo Carlos, spokesman ng PNP, patuloy ang isinasagawang pagtaya ng anumang banta ng mga intelligence operatives ng PNP laban sa posibleng banta ng terorismo sa Metro Manila na maaaring ilunsad ng Abu Sayyaf..

Sinabi ni Carlos na wala pa silang namomonitor na bantang pag-atake ng Abu Sayyaf tulad ng pambobomba sa Metro Manila upang ilihis ang atensyon ng security forces kaugnay ng opensiba sa Sulu.

Sa tala, 15 sundalo ang napatay at 29 naman ang nasugatan habang 30 bandido naman ang nasawi at 11 o higit pa ang mga nasugatan sa umaatikabong bakbakan sa Sulu mula Agosto 26-29.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with