^

Bansa

24-oras number coding isinulong sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang masolusyunan ang lumalalang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila,  isinusulong ni House Mi­nority leader Danilo Suarez ang 24-oras na pagpapatupad ng number coding ng mga sasakyan.

Paliwanag ni Suarez, nightmare o bangungot na ang traffic sa Kamaynilaan kaya dapat nang gumawa ng preventive solution ang gobyerno para dito.

Dahil dito, nais ni Suarez na alisin na ang window at gawin nang 24 oras ang number coding bagama’t marami umano ang magagalit, dapat ring magsakripisyo ang mga may sasakyan .

Panukala rin ng kongresista na gumawa na rin ng mass transit system  ang gobyerno na maaa­ring gamitin ng publiko bilang alternatibong paraan para magamit ng commu­ters sa halip na gumamit ng sasakyan.

Para naman kay Ka­bayan partylist Rep. Harry Roque, marami namang paraan para masolusyunan ang matinding pagsisikip ng trapiko kahit na walang emergency power kabilang na dito ang  pagbubukas sa mga exclusive subdivision.

Iginiit naman ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza na bago humingi ng emergency powers ang Pangulo ay dapat na makita muna na nagtatrabaho rin na may emergency rule ang bawat ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Transportation.

Aniya, dapat alisin muna ang mga nakabalagbag na bus sa kahabaan ng EDSA  at dapat tapusin muna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng mga nakatiwangwang na proyekto sa mga pangunahing lansangan.

Maging ang mga se­condary road umano na ginagawang labahan at parking ay dapat nang linisin para madaanan ng mga sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with